Malasakit sa Kapatirang Alpha Phi Omega

Question and Answer

Mga Tanong at Sagot patungkol sa Pagbabago

Q: Bakit ba dapat i-amend ang CBL nang ang talakayan ng mga kasong hawak ng SAC ay maganap sa iisang lugar?

A: Sa kasalukuyan, dahil sa pagkakalayo-layo ng mga Adjudicators na membro  ng SAC, ang kanilang talakayan, kung matatawag man ito na talakayan, ay watak-watak, hindi magkakasabay-sabay at taliwas sa kanila mismong SAC Rules of Procedure. Kahit pa sa pamamaraan ng modernong teknolohiya ay hindi din maaari dahil sa hindi naman lahat ng Adjudicator ay mayroong kakayanan o kapasidad na gumamit ng Internet. At kung ang Internet man ay magagamit, ito ay malayo pa rin sa talakayang sabay-sabay at harapan. Ilang libong pagpapalitan man ng sulat ay hindi pa rin makakapantay sa sabay-sabay at harapang talakayan na kung saan ang bawat Adjudicator ay may pagkakataong makinig, magmasid at makipagpalitan ng kanya-kanyang pananaw at pagpapahalaga sa bawat ebidensya o patunay, na siyang kinakailangan upang matupad ang tinatawag na Procedural Due Process.

Q: Kung ang mga Adjudicators na nasa iba’t ibang region ay malilipat na sa Pilipinas o sa isang lugar sino na ang hahawak sa mga kaso o usaping nasa lebel ng region?

A: Sa kasalukuyan dalawang papel ang kanilang ginagampanan. Sa proposed amendments ito ay paghihiwalayin. Ang papel bilang Regional Adjudicators ay mananatiling nasa Region at ang pagganap na membro ng SAC ang malilipat sa Pilipinas o sa isang lugar.

Q: Kung ang mga Adjudicators na gumaganap na membro ng SAC na nasa iba’t ibang region ay maalis, mawawalan na rin ng representation ang region sa SAC. Paano na ang Equal Representation?

A: Kung Equal Representation ang paguusapan, ito ay ginagampanan na ng Regional Director. Sila ay dumadalo sa mga Board Meetings bilang representante ng kanya kanyang region kung saan pinaguusapan at pumapasa ang mga Resolusyon na makakaepekto sa buong Organisasyon natin. Ang SAC na sintulad ng Supreme Court ay hindi nangangailangang representante ng buong Pilipinas. Kung representative sa Pilipinas - Congressman, sa APO Regional Director.
 
Q: Kung ang mga Adjudicators ng SAC ay sa Pilipinas na nagpupulong at naghaharap-harap, hindi kaya sila mas madaling madiktahan ng pamunuan o ng sino man?

A: Ang SAC ay hiwalay na sangay at hindi napapailalim sa Board o sa Executive. Kung sakali mang may pressure silang matanggap, ito ay mas magaang harapin kung magkakasama kaysa sa magkakalayo.

 
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola