Malasakit sa Kapatirang Alpha Phi Omega

Mga Kapatid,

Mahaba-haba na rin ang pinagdaanan ng ating Kapatiran. Iba’t-bang stilo na rin ng pamumuno ang ating naranasan. Taglay natin ang mithiing paunlarin at itaguyod ang interest ng Kapatiran ngunit kalaunan ay tila nauuwi sa pangsariling kapakanan para sa ilan.

Kailangan ng kamulatan. Kamulatan tungo sa magandang pagbabago ng ating Kapatiran at ito ay dapat na magsimula sa ating sarili. Panahon nang unahin natin ang kapakanan ng Kapatiran bago ang ating pangsarili. Tama na ang pagsulong sa interest ng iilan bagkos ang itaguyod ay para sa kabuuan ng Kapatiran.

 

Tuwing Convention ay iba’t ibang mabulaklak na pananalita ang ating nasasaksihan.

 

Kung ikaw ay inlibreng makarating sa Convention sa wari mo’y magandang kalooban ng kandidato, sulitin mo. Pero pagboto mo ay isipin mo kung ano kaya ang tunay na layunin ng kandidato mo at gumagastos pa ng ganito. Papaano niya babawiin ang mga ito?

 

Kung ikaw naman ay babayaran kapalit ang kapakanan ng ating Kapatiran, magisip-isip ka naman. Kapag sila ay nagtagumpay ano man ang kanilang gawin ay wala ka nang karapatang umangal pa dahil bayad ka na. Kung hindi mo matanggihan e di tanggapin mo ngunit piliin mo ang naaayon sa konsensya mo kung ano ang nararapat para sa minamahal nating APO.

 

Kung ikaw ay pinaiinom, ayos yan at makipag-fellowship ka  sa mga Kapatid natin ngunit pagdating sa desisyon kapakanan naman sana ng APO ang unahin mo nang mayroon ka namang naibahaging maganda sa pagdalo mo sa Convention.

 

Kung ikaw naman ay kandidato, siguraduhin mong kapakanan ng Kapatiran ang uunahin mo at hindi ang sa iyo.

 

Kaming mga Kapatid ninyo ay naniniwala na panahon nang imulat ang ating mga mata at isulong ang tunay na intererst ng Kapatiran. Dugo, pawis at luha ang ating naging puhunan mapabilang lang sa Kapatirang pinaghirapan. Pababayaan na lang ba nating ito ay mabaliwala? Panahon nang ipakita ang Malasakit sa Kapatirang Alpha Phi Omega (MAKA-APO). Tama na ang pagiging makasarili. Sama-sama nating bantayan at pangangalagaan ang kapakanan ng ating Kapatiran. Makibahagi at isulong ang pagiging MAKA-APO.

 

==========================================================
Please share and forward to other APO Networks and eGroups. Thank you.

  

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola